Bigtime rollback sa presyo ng gasolina, namumuro sa susunod na linggo; LPG, tataas ng P3/kilo bukas

Posibleng magkaroon ng bigtime rollback sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng trading, maaaring bumaba ng dalawang piso ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 59 centavos sa kerosene.

Wala namang inaasahang paggalaw o kaya ay tataas lamang ng bahagya ang presyo ng diesel.


Maaari pa itong magbago depende sa resulta ng huling trading day kahapon.

Samantala, ang bad news, tataas ng tatlong piso at singkwenta sentimos ang presyo ng kada kilo ng LPG, epektibo bukas, October 1.

Facebook Comments