Pag-aangkat ng bigas sa panahon sa COVID-19 pandemic, hindi na kailangan ayon sa DA

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na hindi na kailangan pang mag-angkat ng bigas sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pabor sila sa naging desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Philippine International Trading Center na huwag nang ituloy ang planong government-to-government rice importation scheme.

Ang rekomendasyon ay ibinase ng DA sa pag-aaral gamit ang sampung iba’t ibang senaryo at ng supply ng bigas at demand situation sa buong taon ng 2020.


Tiwala si Dar na ang natitirang import requirement ay maaaring ma-secure sa loob ng natitirang anim na buwan ng taon ng pribadong sektor.

Matatandaang una nang inaprubahan ang rekomendasyon na mag-angkat ng 300,000 metric tons ng bigas pero nagpasya ang Vietnam na pansamantalang suspendihin ang pag-apruba sa bagong rice imports habang tinatasa nito ang sariling pangangailan sa bigas sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments