Taguig LGU, nagtalaga ng “Exercise Safe Zones”

42

Nagtalaga ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig City ng “Exercise Safe Zones”.

Makikita ito sa kahabaan ng Bayani Road sa Heritage Memorial Park Area, Taguig Lakeshore complex at 3.5-kilometer C6 Bike Lane sa Barangay Lower Bicutan.


Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ipatutupad din sa mga nasabing lugar ang strict monitoring sa health at safety protocols, kung ito ba ay nasusunod o hindi ng mga nag e-ehersisyo sa pamamagitan ng “tapang at malasakit” approach.

Layunin aniya nito na mabigyan ng ligtas na lugar ang mga fitness enthusiast habang sila ay nagjo-jogging, cycling, aerobics at iba pa.

Ito ay para mapanatili ring ligtas ang mga residente mula sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments