Pag-aangkat ng isda, hindi kinakailangan ayon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council

Walang dahilan para mag-angkat ang Department of Agriculture (DA) ng tone-toneladang isda.

Ito ang iginiit ni National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) Representative Dennis Calvan kung saan sapat pa aniya ang supply ng isda ngayong unang quarter ng 2022.

Ayon kay Calvan, mayroon pang natitirang 45,651 metric tons ng isda na mula pa sa inangkat noong last quarter ng 2021 kung saan 22,000 metric tons dito ang nananatili sa cold storage facility.


Nasa 12,000 metric tons pa rin ng isda ang padating sa bansa na sasabay naman ngayon sa muling pagbubukas ng mga pangisdaan kasunod ng nalalapit na pagtatapos ng closed fishing season.

Facebook Comments