Galvez, magtutungo sa Zamboanga at Basilan para hikayatin ang Muslim communities na magpabakuna

Nakatakdang magtungo si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Zamboanga at Basilan upang kumbinsihin ang mga muslim community na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Galvez, ito ay dahil ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinakamababang vaccination rate sa buong bansa.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming Muslim communities sa mindanao ang ayaw magpabakuna at posibleng dahil ito sa kanilang paniniwala.


Sa ngayon, nasa 1.7 million doses pa lamang ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa buong rehiyon.

Samantala, sampung rehiyon na sa bansa ang nabakunahan na ang kanilang 70 porsyento ng populasyon.

Facebook Comments