
Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapipilitan ang bansa na mag-angkat ng coal o uling na magagamit sa mga power plant para tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa bansa.
Paliwanag ng pangulo, nais sana ng pamahalaan na mabawasan ang paggamit ng coal, hindi ito maiiwasan dahil sa kasalukuyang krisis sa langis.
Giit ng pangulo, ginagawa ang hakbang na ito para hindi kapusin ang mga power plant sa kinakailangang raw material at mapanatiling sapat ang power supply.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga kaibigang bansa na posibleng pagkunan ng coal.
Dagdag pa ng pangulo, umaasa siyang matatapos na ang giyera, pero hangga’t may krisis, sisikapin ng gobyerno na manatiling normal ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments










