Pag-aanunsyo ng dami ng importasyon ng bigas sa bansa, muling hiniling ni Senate President Francis Escudero

Inirekomenda ni Senate President Chiz Escudero sa pamahalaan na kung maaari ay itigil ang pag-aanunsyo ng dami ng i-aangkat na bigas sa bansa.

Ito ang isa sa dahilan na tinukoy noon ng senador na rason kaya tumataas lalo ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Apela ni Escudero sa gobyerno at sa Department of Agriculture (DA) na huwag nang sabihin kung ilan ang importasyon ng bigas sa mga susunod na taon bunsod ng nagiging hudyat ito para taasan ng mga traders at retailers ang presyo ng bigas at pagdating sa merkado ay mahal ang presyo na nabibili ng publiko.


Dismayado naman ang Senate president sa US Department of Agriculture (USDA) na mahilig mag-anunsyo ng dami ng iaangkat na bigas ng Pilipinas dahil naaalerto ang ibang mga bansa para mag-place din ng maraming iaangkat na maaaring mauwi sa kakulangan ng suplay.

Kung ganito aniya ang ginagawa ng USDA ay huwag na sanang gayahin pa ng Pilipinas ang pag-aanunsyo ng rice importation upang maiwasan ang pagtatago ng suplay at pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments