Motibo sa pamamaslang sa LTO official, inaalam pa ng pulisya

Inaalam pa ng Philippine National Police (PNP) ang motibo sa pagpatay sa isang opisyal ng Land Transportation Office na si Mercedita Gutierrez noong Biyernes ng gabi sa lungsod ng Quezon.

Kahapon, matatandaang inanunsyo ni Interior Sec. Benhur Abalos ang pagkaka-aresto sa suspek.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, inaalam ngayon ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang mitsa ng krimen.


Kumakalap narin sila ng impormasyon kung may natanggap bang banta sa buhay si Gutierrez gayundin kung may iba pang kasabwat ang naarestong suspek.

Nabatid na wala pang 24-oras nang madakip ang suspek sa Batasan, Quezon City kung saan natunton ang kanyang kinaroroonan matapos mahulog ang kanyang beltbag na naglalaman ng ORCR ng ginamit nitong motorsiklo sa krimen.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong murder ang naarestong suspek.

Facebook Comments