Muling nanindigan ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mas mainam na hintayin ang resulta ng iba’t ibang pag-aaral na isinasagawa ng mga eksperto hinggil dito.
Bagamat isang investigational drug para sa COVID-19 treatment ang Ivermectin, sinabi ni Domingo na wala pang solid evidence na talagang nakakagamot ito.
Hindi dapat hinahaluan ng pulitika ang isyu sa Ivermectin at dapat magtiwala ang mga tao sa siyensya.
Sa ngayon, anim na ospital pa lamang ang nabibigyan ng compassionate special permit sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19l.
Facebook Comments