Pag-aaral sa epekto ng Omicron variant sa mga bakunado, matatagalan pa – DOH

Aabutin pa ng ilang linggo bago malaman ng mga eksperto ang posibleng epekto ng Omicron variant ng COVID-19 sa mga fully vaccinated individuals.

Ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau Head Dr. Alethea de Guzman, patuloy pa ang ginagawang mga pag-aaral sa bagong variant na mas nakakahawan umano kaysa sa Delta variant.

Sa ngayong kasi aniya ay mahirap pang magbigay ng konklusyon kung gaano nga ba katindi ang epekto ng Omicron variant lalo na’t wala pang naitatalang nasawi dahil dito.


Nagpaalala naman si De Guzman sa publiko na napakahalagang magpabakuna na habang hindi pa nakakapasok ang Omicron variant sa Pilipinas.

Facebook Comments