Hindi pa rin sapat ang mga ebidensya para masabing mabisa ang Ivermectin laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Marissa Alejandria ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc., batay sa kanilang napagbotohan ng consensus panel members ay insufficent pa talaga ang mga ebidensya para irekomenda ang paggamit ng Ivermectin sa mga “mild to moderate” COVID-19 patients.
Aniya, mas mainam na hintayin na lamang ang magiging resulta ng clinical trials sa nasabing veterinary drug.
Sa ngayon, 5 ospital pa lamang ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit para magamit ang anti-parasitic drug na Ivermectin para sa COVID-19 patients.
Facebook Comments