Sinimulan na ng World Health Organization (WHO) ang pag-aaral kaugnay sa posibleng epekto ng bakuna kontra COVID-19 sa mga batang nasa edad 16-anyos pababa.
Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng WHO sa Pilipinas na tanging clearance lamang sa paggamit ng bakuna para sa mga edad 16-anyos pataas ang mayroon sila.
Dahil dito, kailangang makadiskubre na ng paraan upang maging ang mga kabataan na mas bata pa, ay mapasama sa matuturukan ng bakuna ng walang anumang banta sa kanilang kaligtasan.
Makakatulong ng WHO sa nasabing pag-aaral ang vaccine manufacturers, academe, at iba pang research partners.
Samantala sa ngayon, sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na hinihintay na lamang nila ang resulta ng mga isinasagawang vaccine trial bago magdesisyon sa pagbabakuna sa mga kabataan kontra COVID-19.