Manila, Philippines – Tatlo sa sampung Filipino ang namamatay dahil sa non communicable disease bago sumapit sa edad na 70.
Ito ang sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III batay na rin sa pag-aaral ng united nation experts.
Kabilang sa mga non communicable disease ay ang cardiovascular disease, cancer, diabetes at respiratory disease.
Ayon kay Duque, ang sakit sa puso at cancer ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng isang Pinoy na inuugnay sa life style ng tao.
Facebook Comments