BILL DEPOSIT CHARGE | Isang konsyumer group, nanawagan ng komprehensibong audit sa deposit charge ng Meralco

Manila, Philippines – Nanawagan ang isang konsyumer group na magkaroon ng komprohensibong audit sa bill deposit charge ng Meralco.

Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters o UFCC President Rodolfo Javellana, susulat sila sa Energy Regulatory Commission (ERC) para i-request na i-audit ang bill deposit charge ng Meralco.

Aniya, dapat magkaroon ng malawakang pag-audit dito dahil hindi alam ng mga konsyumer kung magkano ang nakolekta sa bill deposit.


Nais rin aniyang malaman ng mga konsyumer kung magkano ang interes na kinita ng deposit charge sa bangko.

Facebook Comments