PAG-AARALAN | DOJ, dudulog sa Court of Appeals matapos ibasura ng Makati RTC ang kanilang partial motion for reconsideration

Pag-aaralan ng DOJ ang kanilang magiging susunod na hakbang kasunod ng pagbasura ng Makati RTC branch 148 sa kanilang apela hinggil sa pagpapalabas ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa kasong kudeta.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakatakda siyang makipagpulong kay Solicitor General Jose Calida upang pag-usapan ang kanilang susunod na hakbang.

Matatandaang nitong Biyernes, ibinasura ng Makati RTC branch 148 ang partial motion for reconsideration ng DOJ.


Kasabay nito, pinagtibay ng korte o idineklarang constitutional ang proclamation 572 ng Pangulong Duterte na nagpapawalang bisa sa Amnestiya ni Trillanes.

Facebook Comments