BOY | Gender ng 2nd baby ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes, inanunsyo na!

Inanunisyo na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang gender ng kanilang second baby!

Kinumpirma ng mag-asawa sa video sa kanilang youtube channel na Team Dantes na isang “boy” ang second baby nila na isinabay sa pinuntahang color run.

Ipinakita rin ang clip ng pagblow ng kanilang panganay na si baby Zia sa kanyang third birthday cake na nitong Biyernes ang hiniling nitong magkaroon ng baby brother.


Kasunod nito ay ang clip nang pagtakbo ng kanilang pamilya sa color run kasabay ng pag-splash ng blue powder sa finish line at ang pagsulat ng mag-asawa na salitang “boy” sa sahig na may color blue powder.

Facebook Comments