Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng floating solar power project sa mga dams at at iba pang reservoirs nito.
Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, isang kumpanya ang nagmungkahi na maglagay ng water-based solar power project sa Magat Dam sa Isabela na ang mga solar panels nito ay nakalutang sa tubig.
Susubukang ipatupad ito sa 2,500-square meter pilot project sa Magat reservoir para pag-aralan pa ang performance nito bago gawin ang malaking proyekto.
Sinabi pa ni Visaya, mas advantage aniya ang water-based solar power project kumpara sa land-based na nangangailangan pa ng malaking bahagi ng agricultural lands para pagtayuan ng solar plants.
Aniya kung lalagyan ng water-based solar power ang kahit 200 ektarya ng kabuuang 4,500 ektaryang lawak ng tubig ng Magat Dam kaya na nito na makapag produced ng ng 200 megawatts at hindi na mababawasan ng 200 ektarya ng agricultural lands.
Malaking tulong din daw ito para hindi bumaba ang level ng tubig sa dams at reservoirs dahil sa evaporation at magiging sanctuary ng marine life.
Bukod sa Magat Dam, may malalaki pang dams sa bansa na maaaring paglagyan ng floating solar power plant tulad ng Pantabangan Dam at Casecnan Dam sa Nueva Ecija.