PAG-AARALAN | Motu proprio review, isasagawa ng PCC ukol sa merger ng Grab at Uber

Manila, Philippines – Magsasagawa ng motu proprio review ng Philippine Competition Commission (PCC) sa pagsasanib o merger ng dalawang Transport Network Vehicle Service (TNVS): Grab at Uber.

Ipinagutos na ng PCC ang kanilang Mergers and Acquisitions Office (MAO) na pag-aralan ang pag-angkin ng Grab sa operasyon ng Uber sa Pilipinas kahit hindi naabot ng transaction ang threshold na require para sa compulsory notification sa ilalim ng Philippine Competition Act.

Ayon kay PCC Chairman Arsenio Balisacan, malaki ang magiging epekto sa publiko ang pagsasanib ng Grab at Uber.


Nais rin aniya nilang maging hiwalay pa rin ang operasyon ng dalawang TNVS habang isinasagawa ang imbestigasyon sa loob ng 75 araw.

Hindi maaring maipatupad ang kasunduan ng dalawang TNVS na walang pag-apruba mula sa PCC kung ang lalampas sa limang bilyong piso ang kanilang mergers at acquisition at dalawang bilyong piso para sa transaction threshold.

Maaring magsagawa ng sariling review ng PCC kung mayroong matibay na batayan ang kasunduan na magpapahina lang ng kompetisyon sa kanilang specific market.

Facebook Comments