IIMBESTIGAHAN | FBI, sisiyasatin ang simbahan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa Hawaii sa posibleng human trafficking

Manila, Philippines – Sisilipin ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ni Kingdom of Jesus Christ, ‘The Name Above Every Name’ Pastor Apollo Quiboloy sa Hawaii sa posibleng human trafficking.

Sa ulat ng isang local news outlet sa Hawaii, iniimbestigahan na ng FBI ang business manager ni Quiboloy na si Felina Salinas.

Si Salinas ang isa sa nakasakay sa eroplano ni Quiboloy na hinarang ng federal agents matapos matagpuan sa loob ang 350,000 dollars cash at ilang gun parts.


Iniulat ding dati nang naaresto si Salinas noong 2015 dahil sa umano ay assault kay Kristina Angeles isang kapwa miyembro ng kanilang simbahan.

Aabot sa six milyon followers sa buong mundo ang simbahan ni Quiboloy.

Facebook Comments