PAG-AARALAN NA | Panukala ng mga labor groups na 750 pesos na dagdag sahod, pag-aaralan na ng DOLE

Manila, Philippines – Masusing pag-aaralan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala ng mga Labor groups na gawing 750 pesos ang national minimum na sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

Sa ginanap na presscon sa tanggapan ng DOLE sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III dapat pag-aaralan ng regional wage board ang naturang panukala at pag aaralan ng DOLE kung mayroong batayan upang magtaas ng sahod.

Paliwanag ni Bello ikinukunsidera ng DOLE ang pagtaas ng sunod-sunod presyo ng commodities gaya ng nangyari noong Golf War, 2005 implementasyon ng expanded value added taxa at iba iba kung irerekomenda nila sa regional wage board at sa loob ng 30 araw dapat ay magkakaroon na ng desisyon.


Dagdag pa ng opisyal kung masyado ng mataas ang inflation ang board ay magdeklara ng supervening condition na dapat kumpirmahin ng komisyon.

Facebook Comments