PAG-AARALAN PA | DILG, pag-aaralang mabuti kung maaring gawing state witness ang mga barangay officials na sangkot sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng DILG kung maaring isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang mga barangay official na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, nakadepende ito sa bigat ng involvement kung maaring tanggapin ang barangay official bilang state witness.

Batay sa inilabas na narco-list ng PDEA, nasa 207 barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga


Sabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, kakasuhan ang mga ito sa loob ng isa o dalawang linggo.

Pero patuloy pa rin aniya ang kanilang beripikasyon.

Payo naman ng Commission on Human Rights (CHR), mas mabuti kung sinampahan na muna ng kaso ang mga opisyal para mabigyan sila ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga paratang.

Facebook Comments