Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na lagyan ng Suggested Retail Price (SRP) ang mga commercial rice.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, maiiwasan nito ang pagkakaroon ng iba’t-ibang presyo ng iisang uri ng bigas.
Nadiskubre nilang sobra-sobra ang presyo ng commercial rice sa mga palengke.
Sinabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez, kailangang magkaroon muna ng markings at classifications ang bigas bago patawan ng SRP.
Kasabay nito, tinututukan na rin ng DA ang pagtaas ng presyo ng manok sa merkado.
Ito ay matapos tumaas ng P10 hanggang P20 ang kada kilo ng manok sa ilang pamilihan.
Facebook Comments