PAG-AARALAN | PSPG pag-aaralan ang naging desisyon na pagbawi sa security detail ni Sen. Antonio Trillanes lV

Manila, Philippines – Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) partikular na ang Police Security and Protection Group (PSPG) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa pagbawi ng security detail ni opposition Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PSPG Chief Senior Superintendent Filmore Escobal pag-aaralan nila ang naging desisyon at makikipag-usap sila AFP kung totoo ang sinabi ng senador higgil sa kaniyang security detail.

Sinabi kasi ni Trillanes kahapon na tinanggalan siya ng mga pulis at sundalo na nangangalaga ng kaniyang seguridad at proteksiyon nung katapusan ng Hunyo na wala man lang abiso umano mula sa mga otoridad.


Ayon naman sa PNP binawi na nila ang mga pulis na naka assign kay Trillanes dahil may anim na itong security personnel, dalawa mula AFP, dalawa sa Philippine Navy at dalawa mula sa Senado.

Ito ay base na rin sa tinatawag na “Alunan Doctrine” na naglilimita sa dalawa lamang ang mga security detail ng mga government official.

Sinabi naman ni Trillanes na maging ang mga sundalo na nakatalaga sa kaniya ay binawi na rin ng militar.

Facebook Comments