Manila, Philippines – Ipinare-review ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa Kamara ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Nababahala ang kongresista dahil posible pang tumaas ang 4.5% na inflation rate dahilan kaya tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Sinabi pa ni Alejano na limang buwan pa lamang na naipapatupad ang TRAIN Law pero 98% na ang nakakaramdam ng negatibong epekto nito.
Nagtataka pa ang kongresista dahil aabot sa 597 Billion ang savings o unused appropriations ng gobyerno na hindi hamak na malaki kumpara sa target na 100 Million na makokolekta sa TRAIN.
Hiniling din ng kongresista na palakasin ang tax collection dahil ang Bureau of Customs ay may 900 Billion na hindi nakokolektang buwis mula 2011 hanggang 2015 habang 50 Billion naman ang hindi nakolekta ng BIR noong 2017.