PAG-AARALANG MABUTI | Kontrata ng iba’t ibang bansa sa gobyerno ng Pilipinas, rerebisahin ng DOLE

Manila, Philippines – Bubusisihin ng husto ng Department of Labor and
Employment (DOLE) ang mga kontrata ng Pilipinas sa iba pang bansa kung saan
nagtatrabaho ang mga OFW.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nais malaman ng gobyerno ng
Pilipinas kung hindi ba nilalabag ng gobyerno ng iba’t ibang bansa ang
karapatan ng OFW upang hindi na maulit muli ang nangyari kay Joana
Demafelis na pinatay at isinilid sa freezer ng kanyang amo sa Kuwait.

Paliwanag ni Bello, mahigpit ang kanilang pagtutok ngayon sa mga OFW kaya’t
pinayuhan nila ang mga Manggagawang Pinoy na huwag munang magtrabaho sa
Kuwait.


Giit ng kalihim kahit napirmahan na ang Bilateral Agreement sa pagitan ng
Kuwaiti Government at ng gobyerno ng Pilipinas dail inaasahan itong
pipirmahan sa unang linggo ng April ay hindi pa rin babawiin ang Total Ban
sa mga OFW para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy.

Facebook Comments