SHOOTING INCIDENT | Chief of Police ng Hinigaran PNP sa Negros Occidental, sugatan matapos pagbarilin ng nagwawalang lalaki

Negros Occidental – Sugatan ang hepe ng Hinigaran PNP at tinurutong nag
hurumentadong tao sa isang shootout incident sa Hacienda Manucao, Barangay
Palayog, bayan ng Hinigaran kahapon ng umaga.

Pasado las 9 kahapon ng naka tanggap ng impormasyon ang mga pulis na may
taong nawawala at nagpaputok ng baril si Dabi De Ysasi, 32 anyos, kaya
rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni Chief Insp. Jake Barila pero ito
ay binaril ng suspek sa kanyang paa.

Tinamaan rin ng bala si Ysasi sa kanyang dibdib matapos nakaganti ng baril
si Barila bago nakaresponde ang mga miyembro ng 2nd provincial mobile force
kung saan sumuko ang suspek.


Narekober sa posisyon ng suspek ang mga bala ng 30 caliber machine gun, 50
caliber machine gun, anti-personnel bom, reloading machine, bullet proof at
45 caliber .

Ang dalawa ang patuloy ngayon na ginagamot sa makahiwalay na ospital sa
Baclod.

Facebook Comments