Ito ay sa kabila ng may iilan pa ring barangay ang apektado ng sakit ng baboy.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Veterinarian Officer Dr. Ronald Dalauidao, nasa unang hakbang pa lang ang pamimigay ng piglets sa ilalim ng sentineling program ng Department of Agriculture (DA) region 2.
Aabot naman aniya sa mahigit apat na libong (4,000) hog raisers ang apektado nito batay sa kanilang datos.
Samantala, gumagawa ng hakbang ang Department of Labor and Employment (DOLE) partikular sa programa ng pagbababoy gayundin ang pangangailangang mabago ang paraan ng pag-aalaga upang makaiwas na magkaroon ng iba pang sakit ang mga alagang baboy.
Target na mabigyan ng tulong ang nasa isandaang (100) benepisyaryo ngunit sa kasalukuyan ay tatlumpu (30) hog raisers ang mabibigyan ng piglets na bahagi ng programa ngayong darating na linggo.