Ikinatuwa ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante ang ginawang pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Moderna para maiturok sa mga batang anim na taong gulang hanggang labing isang taong gulang.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Solante na tulad ng nakatatanda o vulnerable sector, nakikita rin ng mga eksperto na mas madaling kapitan ng sakit ang mga bata bagama’t mas malakas ang kanilang immune system o resistensya.
Ani Solante, napapanahon ang pasyang ito ng FDA lalo pa at isinusulong na ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga bata sa darating na pasukan.
Sa ngayon kasi tanging Pfizer pa lamang ang COVID-19 vaccine na pinapayagang maibigay sa mga bata.
Facebook Comments