Labis na ikinabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang mapait na sinapit ng mga Pilipina na pumasok sa Middle East gamit lang ang visit visa na nasundan ng pagbebenta sa kanila sa Syria kung saan sila ay inabuso.
Ayon kay Go, ang pambibiktima sa ating mga kababayan ay patunay sa pangangailangan na maitatag ang Department of Overseas Filipinos o DOFil.
Binigyang diin ni Go na sa pamamagitan ng DOFil ay maaasahan ang mas mabilis na pag-prosecute at pagpapakulong sa lahat ng mga sangkot sa trafficking in persons sa mga Pilipino.
Ang panukalang DOFil na inihain ni Senator Go ay kabilang sa mga priority measures ng administrasyong Duterte na layuning maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng mga Pilipino sa abroad at agad maparusahan ang gagawa ng masama sa kanila.