Pinapurihan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pag-adopt ng polisiya para sa Older Persons in Quarantine Situations sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) guidelines.
Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, Spokesperson ng CHR, dahil sa paglalagay ng human rights-based approach, mas nabibigyan ng kalakasan ang kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19.
Ikinagalak ni de Guia na nakita ng mga lokal na pamahalaan ang iba’t ibang kondisyon ng mga matatanda.
Bagamat may ilang older person na may kakayahang mag-hire ng mga kasama sa bahay o personal care giver mayroon namang mahihirap at vulnerable.
Ang hindi paglimita sa galaw ng mga ito ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kanilang pisikal at mental na kapasidad.
Ikinatuwa ng CHR ang kolaborasyon ng gobyerno sa mga organisasyon gaya ng Coalition of Services for the Elderly, Confederation of Older Persons Associations in the Philippines at ang Seniors sa Panahon ng COVID.
Kapuri-puri rin ang pagpapakilos sa Offices of Senior Citizens Affairs na nag-set up ng hotlines at help desks para sa mga reklamo o tulong sa mga nakakatanda.