Para maiwasan at malutas ang problema sa pagkakaroon ng informal settlers sa bayan ng Bayambang plano ngayon ng LGU na i-adopt pambansang pabahay ng gobyerno.
Dahil dito, nagkaroon ng pulong ang opisyal ng LGU sa mga kawani ng Department of Human Settlement and Urban Development sa pangunguna ni Undersecretary Engr. Wilfredo Mallari para talakayin at pag-uusapan ang planong proyekto sa bayan.
Matatandaan na ang “Pambansang Pabahay para sa Pilipino” ay isang programa ng pamahalaan na isang socialized housing program kung saan na target na magkaroon ng zero Informal Settler Families (ISFs) pagsapit ng taong 2028.
Sa plano ng LGU, nais na magkaroon ng limang ektaryang lupain para sa paglalagyan ng malaking proyekto sa bayan para sa mga residente ng bayan na walang permanenteng bahay tirahan.
Layunin ng programang ito upang masolusyunan ang dumaraming bilang ng mga informal settlers sa bayan.
Samantala, ang ilan sa mga residente dito ay nagpapatayo ng kanilang bahay sa tabi ng ilog ngunit ito ay isang ipinagbabawal sa batas dahil delikado at lubhang mapanganib sakaling magkaroon ng kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments