PAG-ALALA | Defense Secretary Delfin Lorenzana, pangungunahan ang ‘Araw ng Kagitingan’ wreath-laying ceremony sa libingan ng mga Bayani, Taguig City

Taguig City – Magsasagawa ng pag-alala ng ‘Araw ng Kagitingan’ sa libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig City.

Pangungunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang commemoration rites at wreath-laying ceremony sa Tomb of the Unknown Soldier.

Nakatuon ang seremonya sa pagpapahalaga sa mga war veteran at kanilang dependents.


Tiniyak ni Lorenzana, makakaasa ang lahat ng mga magigiting na beterano at kanilang pamilya ng buong suporta mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, nakatakdang pirmahan na ng Pangulo ang panukalang itaas ang buwanang pensyon ng war veterans sa 20,000 pesos mula sa dating P5,000.

Binanggit din ng kalihim na naglaan na ang Pangulo ng 150 million pesos sa Veterans Memorial Medical Center para sa pagsasa-ayos at pagpapaganda pa ng mga pasilidad, mga gamit at serbisyo.

Facebook Comments