PAG-ALALA | Ikatlong anibersaryo ng Mamasapano massacre, ginugunita ngayong araw

Manila, Philippines – Isinagawa ngayong umaga ng Philippine National Police- Special Action Force sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City ang isang seremonya para sa pag-alala sa ikatlong taong anibersaryo ng Mamasapano massacre kung saan namatay ang 44 na miyembro ng PNP-SAF noong 2015.

Ang nasabing aktibidad ay tinatawag na “Day of National Remembrance for the SAF 44.”

Kung saan gugunitain ang mga sakripisyo na inialay ng mga bayaning SAF.


Kahapon, sinabi ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na umaasa syang makakamit ng kanyang mga tauhan ang matagal nang inaasam na hustisya.

Sa ngayon, ang kaso laban kina dating pangulong Benigno Aquino at dating PNP Chief Alan Purisima ay dinidinig sa Sandiganbayan.

Ang kasong isinampa ng Ombudsman kay Aquino na violation ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices at usurpation of official functions dahil sa kanyang pagpayag kay dating PNP Chief Alan Purisima na makialam at makilahok sa planning at implementasyon ng Oplan Exodus, gayong ito’y suspendido bilang hepe ng PNP.

Facebook Comments