Bataan – Bilang pakikiisa sa Araw ng Kagitingan, isang aktibidad ang isasagawa ngayong araw ng mga pinuno at kawani ng Veterans Memorial Medical Center sa makasaysayang bantayog ng mga bayani sa Mount Samat sa Pilár, Bataan.
Ayon kay Dra. Felicitas Soriano, Assistant Chief ng VMMC, ito ay bahagi ng halos isang linggong aktibidad na inilatag nila bilang pagkilala sa naiambag ng mga beterano sa bansa.
Noong nakaraang linggo nasa 300 na mga beterano na dumaranas ng ibat ibang karamdaman ang pinasaya sa VMMC sa pamamagitan ng isang bonding party.
Isang linggo din na ipinaghanda ng espesyal na pagkaon ang mga beterano.
Ginawa ring mas personal ang interaksyon sa mga beterano.
Aniya, bibigyan sila ng espesyal na pag aruga bilang ganti sa kanilang pag aalay ng buhay noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.