MANILA – Tiwala ang Department of Finance (DOF) na hindi aalis ang mga negosyanteng Amerikano sa Pilipinas.Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, walang dapat ikabahala sa pakikipagsundo ng pamahalaan sa isang chinsese company kasama sa blacklist ng World Bank hanggang 2017.Ito’y matapos pumirma ng kasunduan ang Chinese state owned company at ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para pag-aralan ang Bonifacio Global City, NAIA segment ng Metro Manila Bus Rapid Transit.Nilinaw ni Rodriguez, sa ngayon hindi pa ginagawad ng chinese company ang kontrata at hindi rin eksklusibo ang nasabing kasunduan.Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Investment Coordinating Committee (ICC) ng NEDA para hilingin sa China na i-accredit ang mga kumpanyang tsino na maaring maging ka-negosyo ng Pilipinas para sa mga iba’t-ibang proyekto.Sinabi ni Dominguez, na may mga nakapila nang proyekto para sa anim na bilyong dolyar na official development assistance galing china at tatlong bilyong dolyar na pautang.Makikipagpulong din ang kalihim sa American Chamber of Commerce para talakayin ang naumang pag-aalinlangan nila.Samantala…Hindi ikinababahala ng Finance Department ang paghina ng piso kontra dolyar.Ito’y matapos pumalo sa 48.50 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar nitong Martes ng umaga pero nagsara ito ng mas malakas sa P48.37.Naniniwala si Dominguez na maganda ito para sa mga exporters dahil ang mga ibinabayad sa kanila na nasa dolyar ay mas lalaki ang palitan sa piso.Sa pananaw ng ilang economic expert, lumalakas ang halaga ng dolyar dahil sa inaasahang pagtaas ng interes rate sa Amerika.Pero may ilan din ang nagsasabi na dulot ito ng mga kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US at European Union.Para sa tatlong pinakamalaking bangko sa pilipinas (BDO, BPI, Metrobank), posibleng umabot ng halos 50 pesos ang halaga ng kada dolyar bago magtapos ang taong ito.Pinangangambahan ding pumalo pa ito ng higit 50 pesos sa susunod na taon.
Pag-Alis Ng Mga Negosyanteng Amerikano Sa Pilipinas At Paghina Ng Piso Kontra Dolyar, Hindi Ikinabahala Ng Department Of
Facebook Comments