Windshield Ng Kotse, Basag Matapos Mabagsakan Ng Puno Sa Quezon City

15

MANILA – Basag ang windshield ng isang kotse matapos mabagsakan ng puno ng Acasia sa bahagi ng Kalayaan Avenue, Quezon City.Pasado alas tres kaninang madaling araw nang nabuwal ang puno na nasa tabi lang ng opisina ng City Disaster Risk Reduction and Management Office Ng Lungsod.Ayon kay Mike Marasigan, opisyal ng QCDRRMO bibigyan nila ng danyos ang may-ari ng kotse na si Manny Buenviaje kung mapapatunayang may pagkukulang sa kanilang panig.Sa ngayon, iniimbestigahan na rin ng otoridad kung may pananagutan ang construction firm dahil posible anilang bumagsak ang puno dahil pinutol ng mga construction worker ang ugat nito.

Facebook Comments