Hindi pa napagdedesisyunan ng Inter-Agency Task Force ang hinggil sa posibleng pag-alis o pagpapa-iksi sa curfew para bigyang daan ang nalalapit na Simbang Gabi.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa darating na Huwebes pa pag-uusapan ng task force ang hinggil sa nasabing usapin.
Sa kabila nito, nilinaw ni Guevarra na ang pag-lift o pagpapa-iksi sa curfew ay nasa desisyon na rin ng Local Government Units (LGUs) maliban lamang sa Metro Manila.
Sa National Capital Region aniya kasi ay pinagdedesisyunan ito ng mga alkalde sa NCR sa pamamagitan ng pag-convene ng Metro Manila Council.
Nilinaw naman ng kalihim na ang Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang may pinal na desisyon hinggil dito.
Batay sa isinusulong ng Metro Manila Council pagsapit ng Disyembre, nais nilang ang curfew ay pairalin na mula alas 12:00 ng hating gabi hanggang 3:00 ng madaling araw.