Manila, Philippines – Binabatikos ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang muling pagpapahintulot ng Department of Environment and Natural Resources sa operasyon ng open-pit mining.
Naniniwala si Zarate na tinatrabaho talaga ni DENR Sec. Roy Cimatu ang mga naunang utos ni dating DENR Sec. Gina Lopez na pag-ban sa open-pit mining.
Dismayado ang kongresista dahil lumalabas na mas pinapaburan ng DENR Chief ang mga malalaking korporasyon.
Paliwanag ni Zarate, malaki ang naidudulot na pagkawasak sa kalikasan ng open-pit mining kung saan sinisira ang mga bundok at ang kagubatan.
Marapat aniya na suspendehin muna ang operasyon ng open-pit mining habang may mga isinasagawang imbestigasyon tungkol dito.
Facebook Comments