9 na mga bagong pangalan na sangkot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, ibinunyag!

Manila, Philippines – Siyam na mga bagong pangalan na present sa hazing rites kay Horacio Castillo III ang ibinunyag ni Marc Ventura.

Si Ventura ay isa sa respondents sa kaso ng pagkamatay ni Atio pero nagdesisyon itong maging testigo.

Sa kanyang anim na pahinang affidavit, ibinunyag ni Ventura na kasama rin sa final rites kay Atio sina:


1. Edric Pilapil
2. Zach Abulencia
3. Daniel Ragos
4. Dave Felix
5. Sam Cagalingan
6. Alex Cairo
7. Luis Kapulong
8. Kim Cyrill Roque
9. Ged Villanueva
10. Babaeng kasama ni Alex Bose na hindi myembro ng Aegis Juris

Ang mga nasabing pangalan ay hindi kasama sa mga nasampahan ng reklamo sa Department of Justice.

Kabilang naman sa mga nasampahan ng kaso sa DOJ na pinangalanan ni Ventura sina:

1. Arvin Balag
2. Ralph Trangia
3. Oliver John Audrey Onofre
4. Mhin Wei Chan
5. Daniel Hans Matthew Rodrigo
6. Karl Matthew Villanueva
7. Joshua Joriel Macabali
8. Axel Munro Hipe
9. Marcelino Bagtang
10. Zimon Padro
11. Jose Miguel Salamat
12. Leo Lalusis
13. Alex Bose
14. Robin Ramos

Ang mga nanuntok aniya sa braso ni Atio ay sina:

1. Zach Abulencia
2. Daniel Ragos
3. Sam Cagalingan
4. Alex Cairo
5. Luis Kapulong
6. Edric Pilapil

Ang iba pang nanuntok sa mga braso ni Atio ay hindi na raw niya maaalala dahil patay ang ilaw.

Facebook Comments