MANILA – Matapos ang Semana Santa, agad na binisita ng tambalang Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang transport groups sa Iloilo City.Sa pagpapatuloy ng kanilang Ronda-Serye, pinakinggan ng tambalan ang mga hinaing ng mga jeepney drivers sa maliit na kita dahil sa umiiral na boundary system sa pamamasada.Ipinaliwanag ng mga tsuper na sa sampung hanggang labing dalawang oras nila na pagbiyahe ay nasa tatlong daan hanggang apat na daan lang ang kanilang kinikita.Dahil dito, isinusulong ng tambalang Duterte-Cayetano ang pag-alis sa boundary system ng mga jeepney drivers.Layon din nila na malinis sa korapsyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation and Communications (DOTC).
Pag-Alis Sa Korapsyon Sa Ltfrb, Lto At Dotc, Ipinangako Ng Tambalang Duterte-Cayetano Sa Mga Jeepney Drivers Sa Pagpapat
Facebook Comments