Tradisyunal Na Simbang Gabi, Opisyal Nang Nagsimula

26

MANILA – Dinagsa ng mga katoliko ang tradisyunal na misa de gallo o simbang gabi sa Quiapo Church sa Maynila.Batay sa pagtaya ng Quiapo Church, umabot sa isang libo ang dumalo sa simbang gabi na nagsimula alas-nuebe kagabi.Gayunman, konte pa umano ito at posibleng umabot sa mahigit limang libo ngayong Biyernes dahil natapat ito sa araw ng Quiapo.Kasabay nito, mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad sa simbahan.Nagsisimula ang siyam na araw na simbang gabi tuwing December 16 at magtatapos sa December 24.

Facebook Comments