Pag-amin ni PRRD na may hinalay siyang kasambahay, binatikos!

Nanawagan ang grupong Gabriela kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa pwesto.

Ito ay kasunod ng pagkukumpisal ng Pangulo ng attempted rape sa isang kasambahay.

Ayon kay Joms Salvador, secretary general ng Gabriela – ang rape ay hindi lang nangyayari sa pamamagitan ng pwersahang pagpasok ng ari ng lalaki sa maselang bahagi ng katawan ng babae.


Aniya, ang paggamit ng daliri o anumang bagay ay maikokonsiderang rape.

Ikinabahala naman ni Jean Enriquez, executive director ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific ang bagong pahayag ng Pangulo.

Sinabi ni Enriquez – ang pagsisiwalat ng Pangulo sa kanyang mapang-abusong gawa ay mas lalong mahihikayat ang kultura ng rape.

Idinagdag pa ni Enriquez na mas lalong lalaganap ang kaso ng sexual abuse sa mga domestic workers dahil sa pahayag ng Pangulo.

Dumipensa naman ang Malacañang, giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – gawa-gawa lamang ng Pangulo ang istorya.

Ani Panelo – gumawa lamang siya ng katawa-tawang istorya para isadula ang sexual abuse na kanyang naranasan at kanyang mga kaklase noong siya pa ay nasa high school.

Facebook Comments