Pag-amyenda ng kongreso sa batas kontra hazing, suportado ng CHED

Manila, Philippines – Iniutos ni Chairperson Patricia Licuanan ng Commission on Higher Education ang mahigpit pagpapatupad ng CHED order number 4 na nagtatakda ng mas mahigpit na parusa laban sa hazing.

Sa presscon sa Quezon City, sinabi ni Licuanan na may probisyon sa naturang kautusan para sa mga kaparusahan para sa mga fraternities at iba pang Student Organizations na masasangkot sa mga karahasan tulad ng hazing sa mga initiation rites.

Inatasan din niya ang mga unibersidad at pamantasan na maging mapagbantay at ipatupad ang Anti-hazing law.


Sinusuportahan din ni Licuanan ang hakbang ng mga mambabatas na amyendahan ang batas laban sa hazing upang mas mabigyan ito ng ngipin.

Facebook Comments