Wednesday, March 25, 2026

Pag-amyenda sa Price Act, isinulong ng Makabayan Bloc

IN THIS PHOTO: The Makabayan Bloc filed House Bill No. 6193 or the Genuine Party-list Group and Nominee Bill.

Inihain ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc ang House Bill No. 8765 na layuning amyendahan ang Price Act para maisama ang gasolina at diesel bilang pangunahing bilihin.

Isinulong ito nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Jane Elago, at Renee Louise Co sa layuning matuldukan ang paghahari-harian ng kartel lalo na sa panahon na may krisis sa presyo ng langis.

Target ng panukala na mapalakas ang kapangyarihan ng pamahalaan para magpatupad ng price ceilings sa gasoline at diesel sa panahong may kalamidad, emergencies, malawakang manipulasyon sa presyo o artificial price increases.

Diin nina Tinio, Elago at Co, kailangang mapigilan ang garapalang overpricing at mapahupa ang domino effect ng fuel hikes sa pamasahe, pagkain, at iba pang pangunahing bilihin.

Para sa Makabayan Bloc, hindi katanggap-tanggap na habang nagdurusa ang mamamayan, ay kumakamal ng ‘supertubo’ ang malalaking kompanya ng langis, at ang mga nagkukunwaring “mitigation” measures ng gobyerno sa pamamagitan ng token subsidies at panakip-butas na hakbang.

Facebook Comments