Pag-amyenda sa public service act, tinututulan ng Makabayan

Mariing tinututulan ng Makabayan ang napipintong pagsasabatas sa pag-amyenda sa Public Service Act.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, isang malaking “red flag” ang pagratipika ng Kongreso sa panukala dahil pinapayagan ang 100% foreign ownership sa mga pangunahing economic sectors sa bansa.

Ibig sabihin, ang mga sektor tulad ng mass media, power generation, telecommunications, railways, airlines, at logistical facilities ay mapapasailalim sa kontrol ng mga banyaga.


Pinangangambahan ng kongresista na mas lalong mahaharap sa mas mataas na singil ang mga consumers sa mga public utilities.

Giit naman dito ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, na hindi ito ang gusto ng mamamayan dahil noon pa man ay bukas na ang mga negosyo at ekonomiya ng bansa ngunit patuloy pa rin na lugmok sa kahirapan ang mga kababayan.

Facebook Comments