Pag-angkas sa Motorsiklo, Ipinagbawal na sa Tuguegarao City

*Cauayan City, Isabela*- Paiiralin na ang pagbabawal sa pag aangkas sa motorsiklo para maiwasan ang posibleng banta ng corona virus disease o COVID-19 sa buong Tuguegarao City.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order ni Mayor Jefferson Soriano para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa kabila ng umiiral na social distancing.

Ayon kay City Information Officer Edmund Pancha, kinakailangan na pairalin ng ng bawat isa ang kooperasyon at pang-unawa ng publiko upang matiyak ang hindi pagkalat ng nasabing sakit sa lungsod.


Tatagal naman aniya ang kautusan hangga’t hindi binabawi ni Mayor Soriano.

Nagpatupad naman ng curfew hour sa lungsod mula 8:00 pm hanggang 4:00 am.

Pinatanggal na rin aniya ng alkalde ang mga nakalagay na mga karatula na “no face mask, no entry”.

Facebook Comments