Pag-Angkas sa Motorsiklo, Masusing Babantayan sa kabila ng COVID Positive sa Echague

Cauayan City, Isabela- Binawi ng Pamahalaan Panlalawigan ng Isabela ang naunang hiling nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang angkas sa motorsiklo upang hindi na mahirapan pa ang publiko.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, ipagbabawal pa rin ang pag-angkas ng sinuman sa pamilya upang makasigurong ligtas ang bawat miyembro nito sa virus.

Inalerto naman ang lahat ng pulisya sa Isabela na tiyakin na walang makakalusot na mga angkas sa motorsiklo.


Kahapon ng bawiin ni Mayor Kiko Dy ang pagpapatupad ng General Community Quarantine Phase 1 habang nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.

Hihigpitin din ang pagbabantay sa publiko na walang facemask matapos ang pag-uutos ni Governor Albano na magsuot nito sa tuwing lalabas ng bahay.

Facebook Comments