Pag-angkat ng 150 metriko tonelada ng asukal, tuloy – DA

Sa budget hearing ng Kamara ay sinabi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban na tuloy ang importasyon ng Pilipinas para sa 150,000 metriko tonelada ng asukal.

Ayon kay Panganiban, ang 75,000 metric tons nito ay para sa lokal na merkado habang ang kalahati naman ay para sa beverage industry.

Hindi naman pabor si Panganiban na payagan ang lahat ng kwalipikadong indibidwal at enterprise na mag-angkat ng asukal basta’t papatawan ito ng taripa para maprotektahan ang local producers.


Paliwanag ni Panganiban, napakaliit lamang ng 150,000 metric tons kaya’t hindi rin sa sapat kahit patawan ng taripa.

Samantala, sa budget briefing ay binanggit naman ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla na hangang nitong unang semestre ng 2022, bumaba na sa 14 na siyudad at munisipalidad sa pitong probinsya ang may aktibong kaso ng Afrincan Swine Fever.

Ayon kay Sombilla, bunga ito ng pagtutulungan ng DA at mga probinsya para ipatupad ang biosafety aty disease control measures sa ilalim ng ikinasang Bantay sa ASF sa Barangay Program.

Facebook Comments