656 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariants sa bansa, naitala ng DOH

61

Umabot sa 656 na karagdagang mga kaso ng COVID-19 Omicron subvariants ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 624 ang bagong kaso ng Omicron BA.5, 13 kaso ng BA.4, isang kaso ng BA.2.12.1 at 18 ng sublineages ng nasabing sakit.

Sa nasabing bilang ng bagong kaso ng BA.5, 134 ay mula Metro Manila, 119 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 61 sa Calabarzon.


Nadiskubre naman ang 13 bagong kaso ng BA.4 sa Soccsksargen na mayroong 11 at tig-isa sa Central Luzon at Central Visayas, habang sa Central Luzon din naitala ang isang kaso ng BA.2.12.1.

Ayon sa DOH, ang naturang resulta ng mga bagong kaso ng Omicron subvariants ay mula sa latest sequencing na isinagawa noong September 2.

Facebook Comments