Pag-angkat ng bigas mula sa mga pribadong kumpanya mula sa ibang bansa, hindi na kinontra ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aangkat ng bigas mula sa mga pribadong kumpanya sa labas ng bansa o ang Government to Private Importation.

Ito ay sa kabila ng unang pagkontra ng Pangulo sa G2P at tumutok nalamang sa pagbili ng bigas mula sa mga magsasaka sa bansa.

Sa press conference ni Cabinet Secretary Jun Evasco, inaprubahan na ng National Food Authority Council at naipaliwanag na kay Pangulong Duterte ang kanilang desisyon na payagan ang government to Private Rice Importation Scheme upang magkaroon ng sapat na supply ng bigas para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.


Pero sinabi din naman ni Evasco na inaabangan pa ng NFA Council ang National Food Security Committee para malaman kung gaanong karaming bigas ang kailangan iangkat ng pamahalaan.
Tiniyak naman ni Evasco na hindi mapapasukan ng katiwalian ang mga papasuking transaksyon ng gobyerno dahil ito aniya ay dadaan sa government procurement act hindi katulad ng government to government rice importation scheme.

DZXL558

Facebook Comments